Trillanes inihirit ng mga Duterte supporters na isunod kay De Lima

Aguirre2
PTV

Parang “rock star” na sinalubong ng mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Sec. Vitaliano Aguirre nang siya’y dumating sa Qurino Grandstand sa Luneta.

Bahagi pa rin ito ng freedom rally at vigil na ginagawa ng iba’t ibang pro-Duterte Groups na nauna nang nagsabi na pupunuin nila ng isang milyong tao ang nasabing lugar.

Mas lalong nagsigawan ang mga tao nang sa gitna ng kanyang pagsasalita ay tinanong ni Aguirre ang mga tao.

Ayon sa kalihim, “Meron kayong sinasabi na gusto ninyong isunod?….Sino?”

Sabay-sabay naman na nagsiwagan ang mga taon sa harapan ng Quirino Grandstand ng katagang “Trillanes” na tumutukoy kay Sen. Antonio Trillanes.

Sinabi ng organizing committee ng event na hanggang madaling-araw ang nasabing pagtitipon na naglalayong magpakita ng suporta sa mga isinusulong na programa ng kasalukuyang pamahalaan.

Read more...