Nagparinig si Vice President Leni Robredo sa mga lider sa bansa na nagtatangka na kumbinsihin ang publiko na kalimutan ang mga pang-aabuso noong panahon ng Martial Law.
Ginawa ito ni Robredo sa isang talumpati sa harap ng mga gumugunita sa EDSA People Power sa U.P Diliman sa Quezon City.
Hindi direktang pinangalanan ng pangalawang pangulo ang pinatutungkulan nito pero ito aniya ang mga lider na masaya na purihin ang diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatangkang baguhin ang kasaysayan para maalala ito bilang isang bayani.
May mga lider din aniya na nagsusulong ng authoritarianism para takutin at paghati-hatiin ang publiko gamit ang kasinungalingan, karahasan at pagdanak ng dugo.
Hindi ni Robredo na wala nang puwang sa bansa ang mga nagsusulong ng lagim tulad ng dinanas ng bansa sa ilalim ng batas militar.