Mga bisita hindi basta-basta makakausap sa kulungan si De Lima

PNP custodial
Inquirer file photo

Binisita ni Commission on Human Rights Chair Chito Gascon si Senador Leila de Lima sa custodial center ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame kaninang umaga.

Sinabi ni Gascon na nahirapan siyang pumasok dito dahil hiningan siya ng mga pulis ng mission order para mabisita ang senador.

Kalaunan, nakapasok naman siya sa tulong aniya ng ilang kaibigan niya sa PNP.

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Gascon sa kanyang pagbista kay De Lima.

Kahapon ay hindi pinapasok sa custodial center si dating CHR Chair Etta Rosales dahil wala siyang maipresintang clearance mula sa PNP.

Nagkaroon naman ng tensyon kahapon ng harangin ng mgapulis sa Camp Crame ang convoy  ni Sen. Kiko Pangilinan pero makalipas ang ilang minutong paliwanagan ay nakapasok rin siya sa Headquatrers ng PNP.

Si Gascon ay kilalang kritiko ng giyera ng Administrasyong Duterte kontra iligal na droga dahil sa pagtaas ng bilang ng mga namamatay dulot nito.

 

Read more...