De Lima hindi aabandonahin ng LP sa kanyang laban

kiko-pangilinan
Inquirer file photo

Nangako ang mga kaalyado ni Sen. Leila De Lima sa Liberal party na hindi nila iiwan at aabandonahin ang mambabatas sa gitna ng kanyang laban.

Naniniwala si LP President Sen. Kiko Pangilinan na mababaliktad rin ang lahat ng mga bintang kay De Lima sa oras na lumitaw ang katotohanan laban sa mga akusasyon sa mambabatas.

Ipinaliwanag rin ni Pangilinan na lahat ng legal remedies ay kanilang gagawin para patunayan na mali ang mga bintang sa kanilang kasamahan.

Sa simula pa lamang ayon sa senador ay malinaw na pulitika na ang nasa likod ng mga akusasyon laban kay De Lima dahil sa kanyang pagiging kritiko ng kasalukuyang pamahalaan.

Binatikos rin ni Pangilinan si Justice Sec. Vitaliano Aguirre dahil sa umano’y pag-iimbeston ng mga kwento at pinakahuli dito ang akusasyon na may ilang mga personalidad ang nagtangkang manuhol para baliktarin ng ilang testigo ang kanilang testimonya laban kay De Lima.

Kahapon ay pumalag sina dating Sen. Jamby Madrigal at Biñang lone district Rep. Len Alonte-Naguiat makaraang sabihin ni Aguirre na tinangka nilang suhulan ng P100 Million ang ilang Bilibid inmates para baliktarin ang mga naunang pahayag kontra sa senadora.

Kanila ring hinamon ang kalihim na patunayan ang kanyang mga naging akusasyon laban sa kanina.

Read more...