San Miguel, wagi sa Game 1 ng PBA Finals

SMB-VS-GINEBRA_0023Game 1 pa lang ng 2017 PBA Philippine Cup Finals kahapon pero agresibo agad ang atake ng San Miguel Beermen laban sa Ginebra Gin Kings.

Dahil dito nasungkit ng San Miguel ang unang panalo sa Finals sa iskor na 109-82.

Si Chris Ross ang unang bumanat ng atake para sa Beermen, na tinapos ang game nang may 17 points, walong assists at limang rebounds.

Nakakuha naman si June Mar Fajardo ng 17 points, walong rebounds at dalawang assists.

Hindi naman binitiwan ng Beermen ang kanilang malaking lamang sa Ginebra hanggang sa first half.

Ayon kay San Miguel head coach Leo Austria, hindi niya inaasahang magiging ganito ang laban dahil naging one-sided ang laro mula pa sa first quarter.

Nagalak si Austria para sa kaniyang mga manlalaro at sinabing kitang-kita sa mga mata nila na mahalaga talaga ang panalo sa Game 1.

Magaganap naman ang Game 2 sa Quezon Convention Center sa Lucena.

Read more...