41 patay sa car bombing ng IS sa Syria

al-babSumabog ang isang car bomb ng Islamic State group sa security checkpoint na kontrolado ng Turkey-backed Syrian rebels sa isang village sa al-Bab Syria.

Umabot sa 41 katao ang nasawi dahil sa nasabing pagsabog, kabilang ang 35 na sibilyan at anim na rebelde, habang maraming iba pa ang naiwang sugatan.

Isinagawa ang pag-atake sa Sousian sa northwest ng al-Bab.

Noong Huwebes lang ay naitaboy ng mga Turkey-backed rebels ang Islamic State mula sa al-Bab, na natitirang mahalagang kuta nila sa northwest Syria, kabilang ang mas maliliit na bayan ng Qabasin at al-Bezah.

Read more...