Mula sa Camp Aguinaldo, inipat muna sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kustodiya sa limang high-profile inmates.
Ito ay matapos ang tangkang panunuhol umano sa kanila ng P100 milyon para bawiin ang mga testimonya laban kay Senator Leila De Lima.
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, Huwebes ng gabi nang ilipat sa NBI sina Herbert Colanggo, Rodolfo Magleo, Engelberto Durano, Edgar Cinco at Clarence Dongail.
Hindi naman tinukoy ni Aguirre kung gaano katagal mananatili sa NBI ang limang high-profile inmates.
Matapos tumestigo sa imbestigasyon ng kamara kaugnay sa Bilibid illegal drug trade, sa Camp Aguinaldo na pansamatalang ikinulong ang mga high-profile inmate para sa kanilang seguridad.
READ NEXT
Mga motorista inabisuhan ng MMDA sa mga aktibidad sa White Plains at EDSA bukas sa anibersaryo ng People Power
MOST READ
LATEST STORIES