Sa abiso ng MMDA, pinaiiwas ang mga motorista sa bahagi ng White Plains Avenue at sa EDSA-Santilan-Ortigas.
Ito ay dahil sa inaasahang pagsisikip sa daloy ng traffic na maaring maranasan sa nasabing mga lansangan bunsod ng mga isasagawang aktibidad.
Samantala, magpapatupad ang MMDA ng zipper lane sa westbound lane ng White Plains Avenue.
Ito ay upang kahit papaano ay maibsan ang pagsisikip sa daloy ng traffic na maaring maidulot sa bahagi ng eastbound lane ng White Plains na palabas ng EDSA.
Samantala, nagpa-abiso din ang MMDA sa isasagawang pagkilos bukas sa Quirino Grandstand sa Maynila ng mga grupong sumusuporta sa laban ng administrasyong Duterte kontra ilegal na droga.
Ayon sa MMDA, batay sa abiso ng mga grupong lalahok sa gagawing vigil, aabot sa 1.5 na milyon ang magtutungo sa Quirino Grandstand simula alas 5:00 ng hapon bukas (February 25 hanggang sa alas 2:00 ng hapon sa Linggo sa February 26.
Dahil dito, sinabi ng MMDA na maari ding makaranas ng pagsisikip sa daloy ng traffic sa lugar partikular sa bahagi ng Roxas Boulevard.