De Lima, naisailalim na sa booking process; dinala sa Muntinlupa RTC

PNP Photo
Contributed Photo

Kinumpirma ni Dinagat Islands, Lone District Rep. Kaka Bag-ao na natapos na ang booking process kay Senator Leila De Lima sa Camp Crame.

Sinamahan ni Bag-ao at ni Senator Kiko Pangilinan si De Lima sa loob ng tanggapan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung saan ito dinala matapos sumuko sa mga otoridad.

Ayon kay Bag-ao, gaya ng normal na mga inaaresto, sumailalim sa proseso ng booking ang senadora.

Naisailalim na din aniya sa medical check-up si De Lima at maayos naman ang kondisyon nito.

Sinabi naman ni Pangilinan na nakapag-almusal na din si De Lima sa loob ng PNP-CIDG.

Pasado alas 10:00 ng umaga nang muling isakay sa coaster si De Lima para dalhin naman sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) para sa return ng warrant.

Read more...