FVR, JPE, Binay at Honasan, dumalo sa paggunita ng EDSA People Power Revolution

INQUIRER PHOTO | Leila Salaverria
INQUIRER PHOTO | Leila Salaverria

Mistulang nag-reunion ang mga personalidad na maituturing na ‘key players’ sa 1986 EDSA People Power Revolution.

Sa aktibidad sa 31st EDSA anniversary sa Camp Aguinaldo, dumalo sina dating pangulong Fidel V. Ramos, dating Vice President Jejomar Binay, Senator Gringo Honasan at dating Senador Juan Ponce Enrile.

Sina Ramos, Enrile at Honasan ay pawang nakilahok sa EDSA People Power Revolution na nakapagpatalsik noon sa rehimeng Marcos.

Habang Si Binay ay isa sa mga opisyal na naunang naitalaga sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Pinangunahan ng Malakanyang ang mga aktibidad para sa anibersaryo ng EDSA People Power.

Una nang sinabi ni EDSA People Power Commission Vice Chairman Joey Concepcion III na aabot sa P1 milyon ang gastos para sa simpleng aktibidad.

 

 

 

 

Read more...