Sinabi ni Alvarez na dapat alamin ang puno’t dulo ng nasabing isyu dahil nakikitaan ng pattern ng panggulo at destablisasyon sa pamahalaan.
Ang una na aniyang panggugulo ay nang pilit na ipa-retract ang testimonya ni retired SPO3 Arturo Lascañas kaya naman nagmukha itong joker.
Ngayon naman ay mismong sa bibig ng sinuhulan na nagmula na inalok siya ng P100 milyon para bawiin ang naunang pahayag nito laban kay De Lima, ay mayroon pa rin laro ang dating administrasyon.
Idinagdag pa ni Speaker Alvarez na si Alonte-Naguiat ay kamag-anak ng dating Pagcor Chairman kaya malaking pera ang naglalaro ngayon para sa destabilisasyon kontra sa gobyerno.
Kaya kailangan aniya itong imbestigahan ng kamara dahil sa nakasalalay ang national security ng bansa.