Sen. Leila De Lima, naaresto na; sinabing karangalan niya ang makulong, humiling din ng dasal sa publiko

Senator Leila De Lima before the arrestPasado alas 8:00 ng umaga nang lumabas sa kaniyang opisina sa senado si Senator Leila De Lima, para kusang sumuko sa mga otoridad.

Nagbigay pa ng maiksing pahayag sa media si De Lima at sinabing “karangalan niya ang makulong nang dahil sa kaniyang mga ipinaglalaban”.

Hiniling din nito sa publiko na siya ay ipagdasal upang kaniyang makamit ang hustisya.

Sinabi ni De Lima na siya ay inosenta at nananalig siyang malalampasan niya ang lahat at sa huli ay lalabas din ang katotohanan.

“Karangalan ko na ako ay makulong dahil sa mga ipinaglalaban ko, ipagdasal na lamang po ninyo ako
Nanalig po ako sa Diyos na makakamit ko ang hustisya. Malalagpasan ko rin po lahat ng ito. Sa bandang huli, lalabas ang katotohanan. Makakamit ko ang hustisya. Inosente po ako. Pawang kasinungalingan ang paratang nila sa akin,” ayon kay De Lima.

 


 

Matapos ito agad na dumeretso si De Lima sa elevator, bumaba sa parking area ng senado kung saan naghihintay ang kulay puti na coaster na kaniyang sinakyan.

Diretso Camp Crame sa Quezon City si De Lima kung saan isasailalim siya sa booking process.

Read more...