Ayon kay Aguirre ang dalawa ang nag-alok ng P100 milyon sa mga Bilibid inmates para bawiin nila ang salaysay na kanilang naunang inilahad laban kay Senator Leila De Lima kaugnay sa drug trade sa NBP.
Batay sa alok, sinabi ni Aguirre na dapat mabawi ang salaysal ng mga preso bago ang paggunita sa Edsa People Power Anniversary.
Sa kwento ni Aguirre, may kaanak si Madrigal na nag-refer kay Alonte, at si Alonte naman ang direktang tumawag sa mga high profile inmates.
Una nang sinabi ni Aguirre na tinanggihan ng mga high profile inmates ang nasabing alok at sa halip ay nanindigan sa kanilang testimonya laban kay De Lima.