Dating driver-bodyguard ni Senator Leila De Lima na si Ronie Dayan, naaresto na

Radyo Inquirer File Photo | Isa Umali
Radyo Inquirer File Photo | Isa Umali

Naisilbi na kagabi ang arrest warrant laban kay Ronie Palisoc Dayan.

Si Dayan, at si dating National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director Rafael Ragos ay kasama sa arrest warrant na inilabas ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) laban kay Senator Leila De Lima.

Isinilbi ang warrant of arrest kay Dayan sa kaniyang bahay sa Urbiztondo, Pangasinan.

Kusa nang sumama si Dayan sa mga tauhan ng Urbiztondo Police, at sinabing napaghandaan na niya ang pagdating mga pulis dahil napanood na nila sa telebisyon ang tungkol sa pagpapalabas ng arrest warrant.

Maaga ring bumiyahe ang pulisya kasama si Dayan patungo ng Muntinlupa para dalhin muna siya sa korte.

Sinamahan si Dayan ng kaniyang asawa at kapatid.

Samantala, habang nasa daan mula Pangasinan patungong Muntinlupa, nagka-aberya pa ang police mobile na pinagsakyan kay Dayan.

Na-flat kasi ang gulong ng sasakyan kaya kinailangan muna itong kumpunihin.

 

 

Read more...