Problema sa mabagal na internet service sa bansa, tatalakayin sa Telecoms Summit 2017

internet-userTiniyak ni Information and Communications Technology Secretary Rodoflo Salalima na gumagawa na sila ng paraan upang mapabilis ang problema ng internet service sa bansa.

Sa briefing para sa nalalapit na Telecoms Summit 2017, sinabi ni Salalima na magiging ‘no holds barred’ ang diskusyon sa pagpupulong kasama ang mga telecom giants sa bansa.

Dito aniya tatalakayin ang matagal nang suliranin ng mga consumers sa isyu ng bilis ng internet, mahal na presyo nito at maging lawak ng sakop ng inernet service.

Maging ang mga consumer aniya ay maaring magbigay ng kanilang pananaw sa kasalukuyang sistema ng internet service sa bansa.

Gaganapin ang Telecom Summit sa March 9 at 10.

Read more...