Sa inilabas na Notice To Airmen (NOTAM) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) inanunsyo nito na maari nang muling gamitin ang naturang paliparan para sa papalapag at papaalis na eroplano.
Gayunman, limitado muna sa mga turbo propelled planes dahil nasa 1,000 metro pa lamang ng kabuuang 1,700 meters ng runway ang idineklarang ligtas nang gamitin sa kasalukuyan.
Inaasahang sa susunod na siyam na buwan, tuluyan nang makukumpuni ang Surigao airport.
Noong February 10, nasira ang malaking bahagi ng runway ng Surigao airport dahil sa malakas na lindol na tumama sa naturang lalawigan.
MOST READ
LATEST STORIES