Matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, matatanggap na ng mga retiradong SSS members ang paunang dagdag na P1,000 sa kanilang pension.
Ang dagdag na pensyon ay retroactive simula buwan ng Enero ng kasalukuyang taon.
At dahil retroactive, ibibigay ang unang P1,000 sa March 3 para sa buwan ng January, P1,000 din March 10 para naman sa buwan ng February at ang huling P1,000 ay sa March 17 para sa kaparehong buwan.
Pagdating ng April, matatanggap ang dagdag P1,000 batay sa kung ano ang regular na schedule ng pagbibigay ng pensyon.
Kahapon, nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang memorandum na nagbibigay ng go-signal ni Pangulong Duterte sa nasabing dagdag pensyon.
Una nang sinabi ng SSS na bagaman handa na, ang utos na lamang mula sa Malacañang ang kanilang hinihintay bago ipatupad ang P1,000 dagdag na pensyon.