Ito ay bilang kapalit ng pagbawi sa kanilang mga naging testimonya laban sa mambabatas.
Kabilang sa mga inmates na tumestigo laban kay De Lima ay sina Herbert Colanggo, Engelberto Aceñas Dureno, Vicenty Sy, Jojo Baligad at Wu Tuan Yuan o Peter Co.
Ang nasabing mga inmates ay nakadetine ngayon sa Custodial Center ng Armed Forces of the Philippines, kung saan din isinagawa ang umano’y pag-alok ng P100-million.
Ayon kay Aguirre, ginawa ang naturang alok ng isang dating senador na ipinadaan naman kay Clarence Dongail, isang dating police officer na nahatulan ng kasong kidnapping at murder.
Pero sinabi ni Aguirre na tinanggihan ng mga inmates ang nasabing alok.
Tumanggi naman si Aguirre na pangalana ang nabanggit na dating senador.
Ginawa ang bribe offer isang araw bago magsagawa ng hearing ang Muntinlupa Regional Trial Court sa hiling ni De Lima na ibasura ang drug charges na inihain laban sa kanya ng DOJ.