Mid-air collision sa San Diego, USA, 4 patay

Authorities say multiple people died following the midair collision and crash of two small planes near an airport in southern San Diego County. Federal Aviation Administration spokesman Ian Gregor says the collision occurred around 11 a.m. Sunday, Aug. 16, 2015, about 2 miles northeast of Brown Field Municipal Airport. (John Gastaldo/U-T San Diego via AP)
AP Photo

(updated) Dead-on-the-spot ang apat katao makaraang magbanggaan habang nasa himpapawid ang dalawang eroplano sa San Diego California sa U.S.

Sa report ng Federal Aviation Authority, naganap ang mid-air collision sa layong tatlong kilometro mula sa San Diego Airport kaninang alas-tres ng umaga Philippine time (11am sa San Diego).

Bumagsak ang dalawang eroplano sa Brown Field na isang kilalang lugar para sa mga maliliit na eroplano sa San Diego.

Ang mga biktima ay sakay ng isang two-engine sabreliner plane at single-engine Cessna 172 aircraft.

Tumangging magbigay ng mga karagdagang detalye ang FAA at National Transportation Safety Board habang pansamantala namang pinigil ang paglipad ng mga maliliit na eroplano sa lugar. / Den Macaranas

Read more...