Tinatayang aabot sa P0.25 hanggang P0.40 ang madaragdag sa presyo ng kada litro diesel habang P0.15 hanggang P0.25 naman ang madaragdag sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Itinuturong dahilan ng ipatutupad na dagdag sa presyo ang ang paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.
Samantala, sa presyo ng gasolina, posibleng magpatupad naman ng kaltas ang mga kumpanya ng langis ng P0.20 hanggang P0.40 sa kada litro.
Sa pinakahuling oil price monitoring ng Department of Energy (DOE) ang presyo ng kada litro ng diesel ay naglalaro na ngayon sa P24.40 hanggang P27.65 kada litro. Ang presyo naman ng gasolina ay naglalaro sa P38.77 hanggang P44.92 noong nakaraang linggo./ Dona Dominguez-Cargullo