Higit 30 pamilya, nasunugan sa Makati

 

File photo

Natupok ng apoy ang nasa 30 kabahayan sa Angono St., Brgy. Poblacion sa Makati City, Huwebes ng hatinggabi.

Nagsimula ang sunog 12:28 ng hatinggabi na umabot pa sa third alarm.

Tuluyan namang naapula ang sunog pagsapit ng 1:35 ng madaling araw.

Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection kung ano ang naging sanhi ng sunog at kung magkano ang kabuuang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Read more...