Tutuban-Malolos rail system malapit nang umarangkada ayon sa DOTr

railway-track-2 (1)Inilatag na ng Japan International Coordinating Agency (JICA) ang detalye kaugnay sa 38-kilometer railway project na mag-uugnay sa Tutuban at Malolos Bulacan.

Ang nasabing pondo ay popondohan ng JICA sa pamamagitan ng loan ng pamahalaan na aabot sa $1.99 Billion na nauna nang pinagtibay noon pang 2015.

Base sa North-South Commuter Railway (NSCR) project, magkakaroon ng labingtatlong units na tig-walong coaches ang bawa train na bibiyahe.

Tatagal lamang ng 36-minutes ang tagal ng byahe mula sa Tutuban hanggang sa Malolos City ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Inaasahang aabot sa 220,000 pasahero araw-araw ang mabibigyan ng serbisyo ng nasabing elevated train system.

Ang mga himpilan nito ay matatagpuan sa Tutuban, Solis, Caloocan, Valenzuela, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guinginto at Malolos.

Tatahakin ng nasabing train system ang dating ruta ng Philippine National Railway (PNR).

Sisimula ang konstruksyon ng proyekto sa 2019 at inaasahang matatapos sa kalagitnaan ng taong 2022.

Read more...