Nagpasalamat si Social Security System (SSS) Chairman Amado Valdez sa mga matiyagang paghihintay ng mga retiradong miyembro nito sa dagdag na pensyon.
Sinabi ito ni Valdez matapos na pinal na apubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang memorandum na nagbibigay ng karagdagang P1,000 na pensyon ng mga SSS retirees.
Ayon kay Valdez, inspirasyon aniya ito para sa kanila dahil nakagawa sila ng kabutihan para sa mga retiradong kasapi ng SSS.
Ayon kay Valdez, asahan na ang karagdagang good news mula sa SSS hindi lamang sa mga pensioner kundi pati sa mga kasalukuyang miyembro nito.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Valdez si Pangulong Rodrigo Duterte, Executive Sec. Salvador Medialdea, Finance Sec. Sonny Dominguez at lahat ng miyembro ng gabinete sa kanilang suporta sa nasabing umento.
Nauna nang sinabi ni Valdez na magiging retroactive mula sa nakalipas na buwan ng Enero ang tatanggaping dagdag na pension ng mga SSS retirees.