Tutol si Albay Rep. Joey Salceda sa mga panukalang i-ban ang field trips sa mga estudyante.
Ito’y kasunod ng pagkasawi ng labinglimang katao na karamihan ay mga mag-aaral nang ay mga mag-aaral nang maaksidente ang kanilang sinasakyang bus sa Tanay, Rizal.
Ayon kay Salceda, nakikiramay siya sa mga kaanak at mahal sa buhay ng mga biktima.
Gayunman, hindi raw sagot ang pag-ban sa field trips upang hindi na maulit ang kahalintulad na trahedya.
Aniya, hindi ang field trip ang pumatay sa labinglimang indibidwal kundi ang palpak na road system sa ating bansa.
Sa halip na ipilit ang ban ang field trips, iginiit ni Salceda na ilang mas dapat tugunan ng pamahalaan.
Ito ay ang road safety na pinatututukan sa DPWH at mas mahigpit na pagbibigay ng LTO ng mga lisensya hindi lamang sa bus drivers kundi sa iba pang mga motorista at vehicle road worthiness na kailangan bantayan ng LTFRB.
Higit sa lahat, sinabihan ni Salceda ang Department of Education at CHED na palakasin ang control mechanisms and monitoring systems para sa field trips upang maiwasan ang anumang hindi makatwiran o sobra-sobrang bayarin.