Kasama sa mga plano ng pamahalaan ang pag-sugpo sa problema ng kahirapan lalo na sa mga lalawigan, pati na rin ang kawalan ng trabaho sa pamamagitan ng sustained robust economic growth sa susunod na anim na taon.
Ayon sa NEDA, target ng PDP 2017-2022 ang 7 hanggang 8 percent na gross domestic product (GDP) growth sa medium term, na mas mapapakinabangan ng mas maraming Pilipino.
Kabilang rin sa planong ito ang pagbawas sa poverty incidence ng hanggang sa 14 percent pagdating ng 2022, mula sa 21.6 percent na naitala noong 2015.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia, sa pagtatapos ng taong 2022 at ng administrasyong Duterte, target nilang mas mailapit ang mga Pilipino sa pag-abot ng kanilang mga long-term aspirations.
Sa isinagawang survey noong nakaraang taon, sinabing karamihan sa mga Pilipino ay naghahangad ng simple at komportableng pamumuhay.
Ito aniya ay sumasalamin sa middle-class lifestyle kung saan kumikita sila ng sapat, napag-aaral ang mga anak hanggang kolehiyo, pagkakaroon ng sasakyan, medium-sized na bahay at pati na rin ng panahon para makapag-bakasyon kasama ang pamilya at mga kaibigan.