May kaugnayan ang naturang kaso sa diumano’y maling paggamit ng P27.5 milyong pisong Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng noo’y Congressman ng Agusan Del Sur na si Rep. Rodolfo Plaza sa pagitan ng taong 2004 hanggang 2010.
Sa desisyon ng Korte Suprema, kinatigan nito ang naunang desisyon ng Ombudsman na may ‘probable cause’ sa naturang reklamo.
Wala rin aniyang paglabag sa panig ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales nang isulong nito ang paghahain ng reklamo laban kay Naploes at sa driver nitong si John Raymund De Asis at dating National Agribusiness Corp. president Alan Javellana.
Ayon pa sa SC, ang mga argumento ring inilatag ng kampo ni Napoles sa kanyang petition for certiorari ay dapat na iharap nito sa isang pormal na pagdinig at hindi sa preliminary investigation.