Pormal na kautusan na lamang mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para maipatupad na ang dagdag na P1,000 sa natatanggap ng mga pensioners mula sa Social Security System (SSS).
Ayon kay SSS spokesperson Susan Bugante, nakahanda naman na silang i-deposito sa mga accounts ng mga pensioners ang karagdagang halaga sa kanilang pension.
Gayunman, hindi pa nila ito tuluyang magawa dahil kailangan pa muna nilang matanggap ang written approval mula sa Palasyo, upang magkaroon ng legal basis ang pagpapatupad nito.
Samantala, sinabi naman ni Deputy Executive Sec. Menardo Guevarra na naihanda na ng Malacañang ang mga dokumentong kailangan dito, at malapit na rin itong malagdaan ng pangulo.
MOST READ
LATEST STORIES