Hindi nag-sorry si Presidential Communicaitons Office Secretary Martin Andanar sa mga kagawad ng media sa Senado.
Ito ay matapos ihayag ni Andanar na mayroon umanong isang libong dolyar ang umiikot sa senate media para i-cover ang press conference kamakalawa ni SPO3 Arthur Lascañas na umano’y miyembro ng Davao Death Squad.
Ayon kay Andanar, malinaw sa kanyang pahayag na base sa kanyang nakuhang intelligence report, may umiikot na pera.
Dagdag ni Andanar, hindi niya sinabi na mayroong kagawad ng media sa Senado ang tumanggap ng naturang pera.
Pagtitiyak pa ni Andanar, vinalidate niya muna ang naturang impormasyon bago isinapubiko.
Kung mayroon man aniyang hindi pagkakaunawaan sa isyu, ito ay dahil sa isa siyang Bisaya at hindi magaling magsalita ng Tagalog.
Bagamat hindi nag-sorry, sinabi ni Andanar na wala siyang intensyon na pagmukhaing ‘corrupt’ ang Senate media.
Katunayan, mataas ang kanyang pagrespeto sa mga dating kasamahan sa trabaho.