Tinawanan lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bantang pagpapabagsak sa kanyang administrasyon.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, sinabi niya kahapon sa pangulo ang mga destabilization effort laban sa kanya.
Gayunman, imbes na mabahala ay natawa lamang umano si Duterte.
Bilin pa ng pangulo, bahala na si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na tugunan ang demolition job issue.
Sinabi pa ni Andanar na ang pagbuhay ni Senator Antonio Trillanes sa bank account issue at testimonya kahapon ni Retired SPO3 Arthur Lascañas ay bahagi ng nilulutong malawakang kilos protesta sa Sabado, February 25 na siyang ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power.
Hintayin na lang ayon sa kalihim kung magtatagumpay ang plano ng alinmang grupo na ikakasa sa kasabay ng paggunita sa EDSA Uno.