Inatasan na ng Malacañang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na tiyakin na ligtas ang mga bus at iba pang mga pampublikong sasakyan sa bansa.
Ito ay matapos maganap ang malagim na trahedya kahapon sa Tanay, Rzal kung saan nasawi ang labinglimang estudyante na magka-camping sana matapos sumalpok sa poste ang sinasakyan nilang Panda tourist bus.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat tiyakin ng mga operators at mga driver ng bus na nasa maayos na kundisyon ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe.
Ayon kay Abella, nakikiramay ang Malacañang sa mga pamilya ng naiwang mga estudyante.
May ginagawa na aniyang imbestigasyon ang Commission on Higher Education, LTO, LTFRB at PNP kung nasunod ang tamang proseso sa pagsasagawa ng mga fieldtrip.
Nauna nang sinabi ng CHED na suspindido muna ang lahat ng uri ng mga field trips sa mga pampubliko at pribadong pamantasan sa bansa kasunod ng trahedya.