DOLE, magsasagawa ng imbestigasyon sa malagim na aksidente sa Tanay, Rizal

INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Iimbestigahan ng Department of Labor and Employment ang nangyaring aksidente sa isang tourist bus sa Tanay, Rizal na ikinasawi ng 15 katao.

Aalamin ng DOLE kung nasunod ang occupational safety and health standards ng kompanya na nagmamay-ari sa bus na nabundol sa isang poste.

Hakbang ito ni DOLE Secretary Silvestre Bello III sa gitna ng pakikiramay sa mga magulang at pamilya ng mga nasawing estudyante na magtatapos na dapat ngayong Marso.

Ayon sa kalihim, inatasan niya na si DOLE Regional Office 4-A Director Zenaida Campita, na nakasasakop sa lalawigan, na imbestigahan ang insidente upang matukoy kung ano ang pananagutan ng Panda Coach Tourist and Transport Inc.

Tiniyak ni Bello sa mga naulila na gagawin ng kagawaran ang kanilang tungkulin para sa mga biktima ng trahedya.

Maliban dito, sinabi ni Bello na tatanggap ng assistance and benefits ang mga manggagawa ng nasabing tourist bus company sa ilalim ng programa ng Employees Compensation Commission.

Matatandaang kabilang sa nasawi ang driver ng naturang tourist bus.

Read more...