Biyahe ng isang train ng MRT, maagang naantala dahil sa technical problem

MRTMaaga na namang naperwisyo ang mga pasahero ng MRT-3 ngayong araw ng Martes.

Ito ay matapos makaranas ng aberya ang biyahe ng MRT-3 kaninang 8:52 ng umaga.

Napilitang bumaba ng mga pasahero ng MRT-3 sa Santolan-Annapolis station southbound dahil sa nasabing aberya.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nagkaroon ng technical problem ang isa sa kanilang mga train.

Nakatanggap ng Category 3 status ang serbisyo ng nasabing train, na nangangahulugan na tinanggal ito nang walang kapalit.

Bandang alas nueve ng umaga, nasa labing siyam na tren na ang operational.

Read more...