Hindi makakadalo si detained Senator Jinggoy Estrada sa ika-walumpu’t limang kaarawan ng kanyang inang si doktora Loi Ejercito-Estrada.
Ito ay matapos ibasura ng Sandiganbayan 5th Division ang kahilingan ni Estrada na makalabas ng PNP Custodial Center sa darating na Biyernes para makadalo sa birthday celebration ng kanyang ina sa Filipinas Asiana city sa lungsod ng Paranaque.
Kinatigan ng korte ang argumento ng prosekusyon na ang isang akusado sa alinmang kasong kriminal ay may limitasyon na sa kanyang civil and political rights.
Ikinatuwiran pa ng korte na hindi naman emergency situation o para sa humanitarian consideration ang huling petisyon ng senador.
Noong lamang buwan ng Marso pinayagan ng korte si Estrada na magpa-check up sa Cardinal Santos Medical Center sa lungsod ng San Juan. / Jan Escosio