Ito ay dahil sa gagawing temporary shutdown ng Tagaytay air traffic radar para sa maintenance at upgrade nito sa mga nabanggit na petsa.
Sa kanilang advisory, sinabi ng Cebu Pacific na magreresulta ng pagbabawas ng kanilang flights ang naturang temporary shutdown ng radar.
Inabisuhan nila ang mga pasahero nila na i-rebook na lamang ang kanilang mga flights sa loob ng 30 araw mula sa orihinal na petsa ng kanilang departure, o kaya ay i-refund na lamang ang kanilang tickets.
Bukod sa Cebu Pacific, nagsabi na rin ang Philippine Airlines sa kanilang mga pasahero na magka-kansela rin sila ng nasa 100 flights dahil rin sa nasabing maintenance shutdown.