Gobyerno, makikipag-usap lang ulit sa NDFP kapag naitigil na ang extortion

AbellaInilatag na ng Palasyo ng Malacañang sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang mga kondisyon para makumbinsi ang Pangulong Rodrigo Duterte na bumalik sa negotiating table.

Ayon kay presidential spokesman Ernesto Abella, makikipag-usap lamang muli ang pamahalaan kapag itinigil na ng rebeldeng grupo ang pangongolekta ng revolutionary tax o pangingikil, at ang patuloy na pag-aambush sa mga sundalo.

Nais din ng pamahalaan na itigil na ng rebeldeng grupo ang pagsusunog sa mga bus at iba pang ari-arian ng mga ayaw tumalima sa kanilang extortion, at pagsasagawa ng mga opensiba sa pamahalaan.

Ayon kay Abella, kapag nagawa ito ng NDFP, wala nang rason para hindi kausaping muli ng pangulo ang kanilang hanay.

Naniniwala si Abella na kapag tumahimik pansamantala ang putok ng baril, tiyak na maayos na magkakarinigan ang dalawang panig.

Mahalaga aniya na magkaroon ng matibay na pananampalataya ang magkabilang panig para tuluyan nang makamit ang kapayapaan sa dulong bahagi ng bansa.

Read more...