Ipinag-utos na ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa ang malalimang imbestigasyon hinggil sa rent-sangla scam ng mga sasakyan.
Ayon kay Bato, maliban sa lider at mga miyembro ng sindikato, paiimbestigahan din nila ang posibilidad ng sabwatan ng sindikato at mga empleyado ng banko at mga financial institution na nagpi-finance sa loan para makakuha ng unit ng sasakyan.
Paliwanag ni Dela Rosa, merong isang kaso na hawak ng PNP Highway Patrol Group na kung saan nakapag-loan ng labing anim na sasakyan sa isang bangko ang iisang tao nang hindi man lang naghinala at nagsumbong sa pulis ang banko.
Kanina, iprinisinta ng PNP-HPG kay Dela Rosa ang 107 mga sasakyan na bahagi ng 900 narecover ng PNP-HPG at iba pang ahensya ng pamahalaan na sangkot sa nabanggit na rent-sangla scam.
Isinalang sa documentation at processing ang mga claimants at registered owner ng mga sasakyan at saka inirelease sa mga may-ari nito.