Presyo ng gasolina at gaas muling tataas

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO
Inquirer file photo

Magkakaroon ng panibagong pagtataas ang ilang companies sa presyo ng kanilang gasolina at kerosene bukas, araw ng Martes.

Sa abiso ng Shell Philippines, PTT Philippines, Phoenix Petroleum at Seaoil, madadagdagan ng P0.25 ang presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.15 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng kerosene o gaas.

Epektibo ang nasabing dagdag presyo bukas ng alas-sais ng umaga.

Kaparehong presyo din ang itataas ng Flying V sa kada litro ng gasolina at kerosene pero epektibo na ito mamayang alas-dose ng hatinggabi.

Wala namang anunsiyo kaugnay sa presyo ng diesel ang mga oil companies.

Ang nasabing price increase ay may kaugnayan pa rin sa pag-galaw sa world market ng mga produktong petrolyo.

Read more...