Sa kanilang pahayag, sinabi ng mga miyembro ng Senate Media na kailanman ay hindi sila tumatanggap ng bayad para mag-cover ng isang presscon ng isang mambabatas.
Kanila ring hinamon ang kalihim na humingi ng public apology kaugnay sa anila’y paglalabas ng “fake news”.
Sa hiwalay na kalatas, sinabi naman ng National Press Club na mataas ang kanilang respeto sa kalihim pero hinamon nila ito na ituwid ang kanyang pagkakamali kaugnay sa kanyang naging pahayag.
Hinamon rin nila ang kalihim na humingi ng paumanhin sa publiko hingil sa kanyang naging pahayag.