Malacañang hindi pipigilin sakaling umalis sa MTRCB si Mocha Uson

Mocha-Uson-
Photo: Radyo Inquirer

Malaya si Movie and Television Review and Classification Board member Mocha Uson na magbitiw sa puwesto kung nanaisin nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ito ay dahil sa iginagalang nila kung anuman ang magiging pasya ni Uson.

Una rito, sinabi ni Uson na balak niyang magbitiw sa posisyon dahil sa pagkakaiba ng kanyang rating system sa sexy scene sa pamunuan ng MTRCB.

Pero ayon kay Abella, sa pagkakaalam niya ay patuloy pa naman ang pagsuporta ni Uson sa mga programa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna nang inulan ng batikos mula sa ilang netizens ang pagtatalaga kay Uson sa MTRCB na umano’y makakasira dahil sa sexy image ng nasabing opisyal.

Read more...