150 bahay, nasunog sa Cebu City

CDN PHOTOS / JUNJIE MENDOZA
CDN PHOTOS / JUNJIE MENDOZA
Nasa isangdaan at limapung bahay ang tinupok ng apoy sa sunog na naganap sa Cebu City Lunes (February 20) ng madaling araw.

Ayon kay Sr. Fire Office 3 Nick Ouano ng Cebu City Fire Department, nagsimula ang sunog sa Barangay Tisa, na umabot sa kalapit na Barangay Labangon.

Sa pahayag ng mga residente sa lugar, isang bahay ang pinagmulan ng apoy, matapos na marinig nilang nagtatalo ang mag-asawang nakatira doon.

Sa kasagsagan ng pagtatalo, inihagis umano ng mister ang lampara dahilan para sumiklab ang apoy.

Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang mister na kinilalang si Andrew Balunan at ang kaniyang misis.

Umabot sa P1.5 milyon ang halaga ng mga nasunog na ari-arian./ Dona Dominguez-Cargullo, Cebu Daily News

Read more...