Dahil dito, itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa mga lalawigang apektado ng pag-ulan bunsod ng umiiral na easterlies.
Sa abiso ng PAGASA, alas 9:30 ng umaga, orange rainfall warning ang nakataas sa silangang bahagi ng Southern Leyte.
Babala ng PAGASA sa mga residente, maari silang makaranas ng pagbaha lalo na ang mga naninirahan sa mababang lugar habang maari namang magkaroon ng landslides sa mga bulubunduking lugar.
Yellow warning naman ang nakataas sa nalalabi pang bahagi ng Southern Leyte.
Samantala, sa Mindanao naman, alas 9:00 ng umaga, nakataas na rin ang yellow warning sa Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Surigao Del Sur, Dinagat Islands at Siargao Islands.
Easterlies din ang weather system na umiiral sa nasabing mga lalawigan na nagdudulot ng malakas na pag-ulan.