WATCH: Mga estudyante sa Surigao City, balik-eskwela na matapos ang magnitude 6.7 na lindol

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Balik-eskwela ngayong araw, Lunes, February 20, ang mga estudyante sa Surigao City mahigit isang linggo matapos tumama ang magnitude 6.7 na lindol sa Surigao Del Norte.

Sa Surigao Pilot School, nasa 50% hanggang 60% ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral ang nakapasok na sa eskwela.

May mga guro din na hindi pa nakapasok, dahil patuloy pa ang pagkumpuni sa mga nasirang bahay, habang ang iba naman ay binaha bunsod ng pag-ulan na naranasan nitong nagdaang mga araw.

Ayon kay Atty. Salvador Acedilla, principal ng paaralan, tatlong silid-aralan nila ang napinsala ng matindi sa nangyaring lindol at idineklara nang “abandoned” at hindi ligtas gamitin.

Dahil dito, ang mga apektadong mag-aaral ng grades 3 at 6 ay sa covered court na lamang muna magka-klase.

Bilang tulong naman para sa recovery process ng mga estudyante, ngayong linggong ito ay hindi muna magle-lesson ang mag-aaral at sa halip ay magsasagawa lang ng iba’t ibang aktibidad gaya ng kantahan at ehersisyo.

Read more...