Dalawa sa mga nasawi ay mga suspek sa pamamaril sa isang biktima.
Unang napatay ng tatlong suspek ang biktimang si Mawi Sulayman, 28, empleyado ng tindahan ng ukay-ukay sa Daumar-Yacapin St.
Sa imbestigasyon, dumaan ang tatlong suspek na naka-motorsiklo sa harapan ng pinagtatrabahuhang ukay-ukay ng biktima at agad itong pinaulanan ng bala hanggang sa mamatay.
Gayunman, lingid sa kaalaman ng mga salarin, armado rin ng baril ang kasama ng biktima na agad na gumanti ng putok.
Dito na tinamaan ang dalawang suspek na agad ring namatay samantalang nakatakas naman ang ikatlong suspek.
Isa namang bystander ang nasugatan makaraang tamaan ng ligaw na bala.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa likod ng pamamaril na hinihinalang may kinalaman ‘rido’ o clan war.