Sa syudad ng Mosul, idineklara noong 2014 ng lider na si Abu Bakr al-Baghdadi bilang ‘caliphate’ ng Islamic State ang lugar matapos nila itong makubkob.
Sa kanilang pagsalakay, limang lugar ang agad nilang nabawi sa kamay ng Islamic State sa west bank ng Mosul.
Sunod namang target ng Iraqi forces ang Mosul airport na nasa timog na bahagi ng syudad.
Ayon kay Prime Minister Haider al-Abadi, ito na ang simula ng isa pang yugto ng operasyon upang mabawi ang lalawigan.
Sa kabila ng pagbawi ng puwersa ng Iraq sa ilang lugar sa Mosul, inaasahang mas magiging matindi pa ang labanan sa susunod na araw habang papalapit ang mga ito sa sentro ng kuta ng IS.