PAGASA, nagbabala sa posibleng flashfloods at landslides sa Aurora at Quezon

TAIL END OF A COLD FRONTMakararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang katamtaman at panaka-nakang malakas na pag-ulan at pagkidlat ang Aurora at Quezon ngayong araw ng Linggo.

Ayon sa PAGASA, ito ay dahil sa tail end of a cold front.

Binalaan din ng weather bureau of dalawang lalawigan ng posibleng flashfloods at landslides dahil pag-ulan.

Samantala, magdudulot naman ng maulap na kalangitan at mahinang pag-ulan sa Batanes, Cagayan at Ilocos Norte ang umiiral na northeast monsoon sa bansa.

Kapareho lagay ng panahon din ang mararanasan sa Bicol, Caraga, Davao, Eastern Visayas at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.

Bahagyang maulap na papawirin na may kasamang isolated light rain at thunderstorms ang iiral naman sa Metro Manila, Cordiller Region, natitirang bahagi ng Ilocos Region at Central Luzon.

Iiral din ang katamtaman hanggang sa malakas na hangin sa Luzon at silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Read more...