China, sinuspinde ang lahat ng coal imports sa North Korea

NOKOR-CHINA
INQUIRER FILE PHOTO/THAAD

Sususpindehin ng China ang lahat ng coal imports sa North Korea simula ngayong araw.

Ito ay bahagi ng pagbibigay ng United Nations ng parusa laban sa North Korea.

Sa isang maikling pahayag, sinabi ng Ministry of Commerce na epektibo ang coal import ban hanggang December 31, 2017.

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye ng Ministry of Commerce ukol sa dahilan kung bakit sususpendihin lahat ng shipment.

Pero sa ulat ng Yonhap news agency ng South Korea noong nakaraang linggo, nakasaad na hinarang at hindi tinanggap sa Wenzhou port sa China ang isang coal shipment ng Nortk Korea na nagkakahalaga ng 1 million dollars.

Ginawa ang naturang pagharang isang araw matapos maglunsad ng isang intermediate-range na ballistic missile ang Pyongyang patungong Japan Sea.

Matatandaang noong Abril ng nakaraang taon, sinabi ng China na iba-ban nila ang lahat ng North Korean coal imports bilang pagtugon sa parusang ipinataw ng United Nations.

Layon din ng parusa na gutumin ang North Korea sa pondo para sa kanilang nuclear at ballistic missile programs.

Pero sa kabila nito, nanatili ang China na pang-apat na pinakamalaking coal supplier ng North Korea pagdating noong nakaraang taon.

Read more...