Ayon kay Surigao del Sur Gov. Vicente Pimentel Jr. at Cantilan Mayor Philip Pichay ay aabutin pa ng tatlo hanggang limang taon para tuluyang umunlad ang isang ecotourism industry.
Ipinag-utos ni Department of Environment and Natural Resources Secretary (DENR) ang pagpapasara ng nasa 23 mga minahan at ang pagkansela sa 75 Mineral Production Sharing Agreements (MPSA) kung saan 14 dito ay nasa Caraga region.
Inaasahan ni Lopez na ang naturang ecotourism ay mapapatupad sa loob lang ng dalawang taon at kanyang ipagpapatuloy na pagkasela sa mas marami pang minahan.
Ayon kay Pichay ang timetable ni Lopez na dalawang taon para sa pagkakaroon ng isang matatag na ecotourism industry ay hindi feasible o imposible.
Aniya aabutin ng tatlo hanggang limang taon para sa naturang alternatibong industriya na maging sustainable.