Grupo ng mga mangingisda, kinuwestiyon ang pagbaklas sa mga fish pen sa Laguna de Bay

DENR PHOTO
DENR PHOTO

Kinuwestiyon ng grupo ng mga mangingisda kung anong alternatibong pangkabuhayan ang ibibigay ng pamahalaan kasabay ng pagbaklas ng mga fish pen at mga cages sa Laguna de Bay.

Ito ang tanong ng Alyansa ng mga Pederasyong Kumikilos sa Lawa ng Laguna sa pagsuspinde sa moratorium sa aquaculture ng Laguna Lake Development Authority (LLDA).

Kinuwestiyon ng naturang grupo ang LLDA Board Resolution No. 518 na nagsasaad ng pagbaklas sa mga fish pen base na unang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging unang State of the Nation Address (SONA).

Ayon sa kanila isang itong “blanket order” kung saan maging ang malilit na fish cages at mga istruktura para sa taniman ng kangkong ay kasama.

Binigyang diin ni Teofilo Mamplata, tagapagsalita ng grupo na bigo ang pamahalaan na linawin ang naturang proseso sa pagtanggal sa mga istruktura sa lawa dahil nagsimula ito ng hindi ikinukunsidera ang mga pamilyang umaasa sa lawa para sa kanilang makakain at pangkabuhayan.

Read more...