Maaring abutin pa ng dalawang linggo ang toxicology report sa katawan ng pinatay na half-brother ni North Korean leader Kim Jong-Un na si Kim Jong-Nam.
Ayon kay Health Minister S. Subramaniam hanggang sa hindi pa sila nakakakita ng conclusive ay hindi sila maglalabas ng report.
Namatay si Kim Jong-Nam noong Lunes matapos may mag-spray sa kanyang mukha ng hindi pa natutukoy na kemikal sa Kuala Lumpur International Airport.
Ayon sa Seoul ang naturang pagpapatay ay isinagawa ng mga babaeng agents na iniutos ng Pyongyang.
Sa kasalukuyan nasa apat na tao na ang naaresto kasunod ng papagpatay sa biktima.
MOST READ
LATEST STORIES