SEABA Championship sa bansa, tuloy na sa Mayo

inquirer.net file photo
inquirer.net file photo

Inanunsyo ng business tycoon and longtime Gilas Pilipinas patron na si Manny V. Pangilinan sa kanyang Twitter account na tuloy na sa darating na buwan ng Mayo ang 2017 SEABA (Southeast Asia Basketball Association) Championship sa bansa.

Gaganapin sa Smart Araneta Coliseum mula May 12 hanggang 18 ang naturang torneo kung saan “heavy favorite” ang national basketball team ng Pilipinas.

Una nang naitakda ang naturang laro sa buwan ng Abril.

Ang SEABA ay nagsisilbing qualifier para sa 2017 Fiba Asia Cup.

Kasalukyang may 24 miyembro ang national team na kinabibilangan nina Mac Belo, Jio Jalalon,  Art dela Cruz at ng Gilas mainstays three-time PBA MVP June Mar Fajardo at Jayson Castro.

Read more...